Songtexte.com Drucklogo

Tindahan Ni Aleng Nena Songtext
von Eraserheads

Tindahan Ni Aleng Nena Songtext

Isang araw

Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena
Para bumili ng suka
Pagbayad ko, aking nakita
Isang dalagang nakadungaw sa bintana
Natulala ako, laglag ang puso ko
Nalaglag din ang sukang hawak ko
Napasigaw si Aling Nena
Ako naman ay parang nakuryenteng pusa
Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na
Nakatawa ang dalaga
Panay ang "sorry, ho"
Sa pagmamadali, nakalimutan pa ang sukli ko
Pagdating sa bahay, nagalit si nanay
Pero oks lang, ako ay inlababo nang tunay

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay ′di nabibili ng pera


Pumunta ako sa tindahan kinabukasan para makipagkilala
Ngunit sabi ni Aling Nena
Habang maaga'y huwag na raw akong umasa
Anak niya′y aalis na papuntang Canada
Tatlong araw na lang ay ba-bye na

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera

Hindi mapigil ang damdamin
Ako'y nagmakaawang ipakilala (ho, ho, ho, ho)
Payag daw siya kung araw-araw
Ay mayro′n akong binibili sa tinda n′ya
Ako'y pumayag at pinakilala niya
Ang kanyang kaisa-isang dalaga
Ngunit nang makilala, siya′y tumalikod na
At iniwan akong nakatanga

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera


Tindahan ni Aling Nena
Dito nauubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay
Oh, Aling Nena, please naman maawa ka, haa

Alam n′yo'ng nangyari?
Wala, wala, ah, ah
(Oh, Diyos ko!)
Wala, wala, ahh

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer singt das Lied „Haus am See“?

Fans

»Tindahan Ni Aleng Nena« gefällt bisher niemandem.