Songtexte.com Drucklogo

Pabango Ng 'Yong Mata Songtext
von Orange and Lemons

Pabango Ng 'Yong Mata Songtext

′Wag ka nang manangis irog
Sayang lamang ang luha mo
May paggagamitan ka niyan
Ako'y malapit nang mamatay
At tsaka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng ′yong mga mata

Luha, kusa na lang dumadaloy
Sa mga pagkakataon
Nagpapaalalang tayo'y tao lamang

Pagsisisi, lagi na lang sa huli
Sa mga pagkakataong
Nakakalimot 'pagkat tayo′y tao lamang


′Wag ka nang manangis irog
Sayang lamang ang luha mo
May paggagamitan ka niyan
Ako'y malapit nang mamatay
At tsaka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng ′yong mga mata

Pilitin mang tumindig
Upang ika'y mahagkan man lang ng mahigpit
Kusang napapahandusay sa aking
Malupit na papag
Nabibilang ko ang sikat ng araw
At kay bilis na ng ikot ng mundo
Marahil ito na ang huling awit at hapdi
Na ipadarama ko sa ′yo...

'Wag ka nang manangis irog
Sayang lamang ang luha mo
May paggagamitan ka niyan
Ako′y malapit nang mamatay
At tsaka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng 'yong mga mata

At tsaka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng 'yong mga mata

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Whitney Houston sang „I Will Always Love ...“?

Fans

»Pabango Ng 'Yong Mata« gefällt bisher niemandem.