Songtexte.com Drucklogo

Pison Songtext
von Gloc-9 feat. Chito Miranda

Pison Songtext

Malakas
Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas
Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas

Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya′t wag kang haharang sa daraanan ng pison

Daraanan ng pison
Sa daraanan ng pison
Daraanan ng pison (Bagong gawa ni Chito at ni Gloc)
Sa daraanan ng pison

Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit ng ganitong pamamaraan
Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga samantala para bang ang dami ang nag-uunahan
Sino ba talaga ang pinakamabilis?
Hindi naman mahalaga
Kasi ang tunay na tanong ay kung ga'no ka kagutom
Mahawakan ang pangarap


Mayakap malawak ang balak itarak ang itak
Puso kong dumadagundong
Kahit na anong mangyari, kailangang madali
Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok
Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok
Dahil ang kinabukasan mo, ′di pwedeng mabulok
Sige, lang itulak mo ang kariton
Kung 'di abot ikaw ay tumalon

Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon
Pawis na tumulo pag-inipon mo galon-galon
Sa buhay na mapagbiro, 'di pwede dito ang pikon
Nauna sa tadhana pumikit lang ang pahinga
Isaulo ang bawat letra, tandaan mo ang pahina
O pahina′, kumain na kayo nakahain na
Ang pagmamahal na kailanma′y tinuro sa aking ina
Kahit na ako minsan ay nagkakalatay kay tatay

Ang kanyang mga payo sa akin ay siyang umakay
'Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay
Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay
Tiyagain mo lang...

Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya′t wag kang haharang sa daraanan ng pison


Daraanan ng pison
Sa daraanan ng pison (Bagong gawa ni Chito at ni Gloc)
Daraanan ng pison
Sa daraanan ng pison

'Di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala
Kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga
Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabahala
Malubog sa putikan, yapak ka lang, sagad mo lang kahit na ga′no kadambuhala
At atumali, sandali nga, hindi pa 'ko tapos
Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos
Paa′y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos
Patipato at panabla, sige, ubos na kung ubos
Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian

Sa dami ng kalaban, 'di maiwasan ang sanggian
Bigay todo pa lagi, kaya malamang na mabalian
Sa laro na bilang ko lang ang tunay kong kaibigan
Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad
Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad
Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad
Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad
Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik

Daanan mo ng daanan hanggang sa 'yong madagit
Kahit ika′y pagdudahan ng kaibigang matalik
′Wag mawalan ng pag-asa, pare buhay pa rin si magic!

Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison

Daraanan ng pison
Sa daraanan ng pison
Daraanan ng pison
Sa daraanan ng pison

(Bagong gawa ni Chito at ni Gloc)
(Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc)
(Malakas!)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer singt das Lied „Haus am See“?

Fans

»Pison« gefällt bisher niemandem.