Songtexte.com Drucklogo

Mga Kababayan Songtext
von Francis M

Mga Kababayan Songtext

Mga kababayan

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n′yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Mayro'n namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang ′yong minimithi

Dapat magsumikap at nang tayo'y 'di maghirap
Ang trabaho mo, pagbutihin mo
Dahil ′pag gusto mo ay kaya mo
Kung kaya mo ay kaya n′ya
At kaya nating dal'wa
Magaling ang atin, ′yan ang laging iisipin
Pag-asenso, mararating kung handa kang tiisin
Ang hirap at pagod sa problema
'Wag kang malunod, umahon ka


′Wag lumubog 'pagkat ginhawa naman ang susunod
Iwasan mo ang inggit
Ang sa iba′y ibig mong makamit
Dapat nga ika'y matuwa sa napala ng iyong kapatid
Ibig kong ipabatid na lahat tayo'y kapit-bisig

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n′yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Mayro′n namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang 'yong minimithi

Respetuhin natin ang ating ina
Ilaw s′ya ng tahanan
Bigyang-galang ang ama
At ang payo n'ya ang susundan
At sa magkakapatid
Kailangan ay magmahalan
Dapat lang ay pag-usapan
Ang hindi nauunawaan


′Wag takasan ang pagkukulang, kasalanan ay panagutan
Magmalinis ay iwasan, nakakainis, marumi rin naman
Ang magkaaway, ipagbati
Gumitna ka at 'wag kumampi
Lahat tayo′y magkakapatid, ano mang mali ay ituwid
Magdasal sa Diyos Maykapal, maging banal at 'wag hangal
Itong tula ay alay ko
Sa bayan ko at sa buong mundo

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n'yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Mayro′n namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang ′yong minimithi

Dapat magsumikap at nang tayo'y ′di maghirap
Trabaho mo, pagbutihin mo
Dahil 'pag gusto mo ay kaya mo
Kung kaya mo, kaya n′ya
At kaya nating dalawa
Magaling ang atin, 'yan ang laging iisipin
Pag-asenso, mararating kung handa kang tiisin
Ang hirap at pagod sa problema
′Wag kang malunod, umahon ka

'Wag lumubog, ginhawa naman ang susunod
Iwasan mo ang pag-inggit
Ang sa iba'y ibig mong makamit
Dapat nga ika′y matuwa sa napala ng iyong kapatid
Ibig kong ipabatid na lahat tayo′y kapit-bisig

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n'yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Mayro′n namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang 'yong minimithi

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n′yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Mayro'n namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang ′yong minimithi

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n'yo
Bilib ako sa kulay ko

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Francis M

Fans

»Mga Kababayan« gefällt bisher niemandem.