Songtexte.com Drucklogo

Parang Tayo Pero Hindi Songtext
von Michael Pangilinan

Parang Tayo Pero Hindi Songtext

Ano pa ba′ng hanap?
'Di ba′t wala naman hadlang?
Higit sa magkaibigan
Ngunit damdami'y may puwang
'Di ko malaman kung ano′ng mayro′n sa atin
Hindi masabi kung ikaw nga ba ay akin

Parang tayo, pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo pero hindi?

Kaya't puso′y 'di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong
Parang tayo pero hindi
Parang tayo pero hindi


Lagi nang ′di napapansin
Ang orasang kumukumpas
At sa tuwing magkasiping
Tila ang init ay wagas
Ngunit bakit pagdurusa'y ′di mapawi? (Hinding-hindi mapapawi)
Ang isip ay litong-lito at 'di mawari (oh, bakit)

Parang tayo, pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya't puso′y ′di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong

Parang kay daming dahilan dahil takot na masaktan
Paglalaro'y hanggang saan?
Mayro′ng buwis ang buhay na

Parang tayo, oh-oh, whoa
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo pero hindi?
Kaya't puso′y 'di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong
Parang tayo pero hindi

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Michael Pangilinan

Fans

»Parang Tayo Pero Hindi« gefällt bisher niemandem.