Songtexte.com Drucklogo

Soap O Pera Songtext
von Itchyworms

Soap O Pera Songtext

Wala nang pera sa daliri
′Di makanood ng sine
Wala na bang ibang magagawa?
Wala namang matatawagan
Wala na ring mapag-usapan
Nood na lang ng TV mag-isa

Ang sagwa naman ng mga soap opera
Pare-pareho lang ang storyline nila

Ang magulang, 'di alam kung sino
Maging sila kaya sa dulo?
Ang tagapagsalba′y mamamatay
Sisisihin na naman ang bida
Makakaaway ang querida
Akala mo patay, mabubuhay

Nakatitig ako na para nang tuod
'Pagkat wala namang ibang mapanood


Sana may pera na 'ko
At makikita n′yo ang mga ′yan
Isa-isa kong babayaran
Upang pagbutihan nila
Ang paggawa ng programa
Nang matuwa ang mga walang magawa
Katulad natin na walang pera

Kung dati ay chicanong drama
Ngayon naman ay chinovela
Ang susunod ba'y Iraqi opera?
′Eto namang mga nakikiuso
Tauhan nga ay Pilipino
Ang pamagat naman ay Kastila

Wala na ba tayong ibang mararating?
Sa pangongopya lamang tayo magaling

Sana may pera na 'ko
At makikita n′yo ang mga 'yan
Isa-isa kong babayaran
Upang pagbutihan nila
Ang paggawa ng programa
Nang matuwa ang mga walang magawa
Katulad natin na walang pera


Pera na lamang ba ang katapat mo?
Kung may nais kang marating, eh, ′di, puntahan mo
Bakit ba takot na takot ka kung biglang magbago?
Kung may nais kang sabihin, 'di, sabihin mo
Kahit may bayad o wala (may bayad o wala)
Kahit may bayad o wala, wala

Sana may pera na 'ko
At makikita n′yo ang mga ′yan
Isa-isa kong babayaran
Upang pagbutihan nila
Ang paggawa ng programa
Nang matuwa ang mga walang magawa
Katulad natin na, katulad natin na walang pera

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Itchyworms

Fans

»Soap O Pera« gefällt bisher niemandem.