Songtexte.com Drucklogo

Muling Buksan Ang Puso Songtext
von Erik Santos

Muling Buksan Ang Puso Songtext

Walang hindi man lang dumanas kailanman
Magmahal nang tapat at ′di man lamang nasaktan
'Yan ay sadyang bahagi ng karanasan
Minsa′y nadarapa, paano mapagagaang
Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaan

Muling buksan ang pusong minsa'y nagtampo
Magmamasdang muli ang kagandahan ng mundo
Walang hapding mananatiling nasa 'yo
Basta′t limutin mo ano mang sakit nito
At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakbo

Alalahanin mong ang buhay nati′y minsan lang
Dusa't ligaya′y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang
Kung umalis ito′y hindi magbabalik muli


Kaya't buksan ang puso at yakapin mo
Ang kasawian man kung ′yan ang natakda sa 'yo
Bukas magugulat ka pa paggising mo
Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo
'Di ba′t bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso

Alalahanin mong ang buhay nati′y minsan lang
Dusa't ligaya′y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang
Kung umalis ito′y hindi magbabalik muli

Alalahanin mong ang buhay nati'y minsan lang
Dusa′t ligaya'y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang
Kung umalis ito′y hindi magbabalik muli

Kaya′t buksan ang puso at yakapin mo
Ang kasawian man kung 'yan ang natakda sa ′yo
Bukas magugulat ka pa paggising mo
Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo
'Di ba′t bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso

Kung nasaktan ka man, 'yan din ay magdaraan
Puso′y muling buksan at sa pagmamahal mo ilaan

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Erik Santos

Quiz
Wer ist gemeint mit „The King of Pop“?

Fans

»Muling Buksan Ang Puso« gefällt bisher niemandem.