Songtexte.com Drucklogo

Hanggang Kailan Kita Mamahalin Songtext
von Erik Santos

Hanggang Kailan Kita Mamahalin Songtext

′Lagi pa ring nagtatanong
Bakit ikaw pa rin ang mahal
Sa haba ng panahon
Pilit kang kinalimutan
Kahit saan mabaling
Ang damdamin kong pagod na
Ikaw at ikaw pa rin ang 'laging nakikita

Hanggang kailan kita mamahalin?
Hanggang kailan ang puso ko
Sa′yo'y magmamahal pa rin?
Hanggang kailan ako maghihintay?
Sa 'yong pagbabalik
Hanggang kailan kita mamahalin?


′Lagi pa ring nag-iisip
Anong naging pagkukulang
Ng puso kong walang alam
Kung ′di ang mahalin ka
Kahit saan mabaling
Ang damdamin kong pagod na
Ikaw at ikaw pa rin ang 'laging nakikita

Hanggang kailan kita mamahalin?
Hanggang kailan ang puso ko
Sa′yo'y magmamahal pa rin?
Hanggang kailan ako maghihintay?
Sa ′yong pagbabalik
Hanggang kailan kita mamahalin?

Kung pwede lang sanang turuan ang puso
Hindi na ako magtatanong kung

Hanggang kailan kita mamahalin?
Hanggang kailan ang puso ko
Sa'yo′y magmamahal pa rin?
Hanggang kailan ako maghihintay?
Sa 'yong pagbabalik
(Sa 'yong pagbabalik)
Hanggang kailan kita mamahalin?

Hanggang kailan?
Hanggang kailan
Kita mamahalin?

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Erik Santos

Fans

»Hanggang Kailan Kita Mamahalin« gefällt bisher niemandem.