Songtexte.com Drucklogo

Ako Nalang Kasi Songtext
von Zack Tabudlo

Ako Nalang Kasi Songtext

Kumikinang
Kumikinang ang buwan sa ′yong ngiti
Habang ang mga mata'y nakatitig
Dahan-dahan nang nababaliw (nababaliw)

Binibini
Ikaw ba ang isasayaw sa gitna ng ulan?
Matagal ko na kasing hinahanap ′yan
Hanggang ngayon, wala pa siya (baka ikaw na)

'Di ba't sabi nila
Mayro′ng para sa ′yo sa mundong ito?
Huwag na natin patagalin pa
Patagalin pa, ha-ha

Kunin mo na aking mga kamay
Ikaw ay mamahaling tunay
Sumandal ka sa 'kin, ako ay yakapin
Ako na lang kasi ang ′yong mahalin


Hawakan mo lang aking mga kamay
Hindi mo na kailangan pang maghintay
Andito na 'ko, ′di kailangan magtago
Ako na lang kasi ang ibigin mo

Pangarap ko
Pangarap ko makuha ang tulad mo
Alam ko na hindi madali lahat ng 'to (′di madali lahat ng 'to)
Kaya naman, sisikapin ko (sisikapin ko)

Dahan-dahan
Dahan-dahan kong ibibigay
Pagmamahal ko para hindi ka mabigla
Ang 'yong pusong mataba, ayoko rin namang mailang ka pa, ah

′Di ba′t sabi nila
Mayro'ng para sa ′yo sa mundong ito?
Huwag na natin patagalin pa
Patagalin pa, ha-ha

Kunin mo na aking mga kamay
Ikaw ay mamahaling tunay
Sumandal ka sa 'kin, ako ay yakapin
Ako na lang kasi ang ′yong mahalin


Hawakan mo lang aking mga kamay
Hindi mo na kailangan pang maghintay
Andito na 'ko, ′di kailangan magtago
Ako na lang kasi ang ibigin mo

Ako na lang kasi ang ibigin mo

Ako na lang ang ibigin mo
Tunay ang pag-ibig sa 'yo
'Wag kang matatakot, oh, Diyos ko
′Di kita sasaktan, oh

Ako na lang ang ibigin mo
Tunay ang pag-ibig sa ′yo
'Wag kang matatakot, oh, Diyos ko
′Di kita sasaktan, oh

Ako na lang ang ibigin mo
Tunay na pag-ibig para sa 'yo
Hindi, hindi kita iiwan
Hinding-hindi sasaktan
Ako na lang ang ibigin mo

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Zack Tabudlo

Fans

»Ako Nalang Kasi« gefällt bisher niemandem.