Songtexte.com Drucklogo

Dulo Songtext
von VXON

Dulo Songtext

Lahat tandang-tanda ko pa no′ng unang nagkita
Nabigyan ng pag-asa (whoa-whoa, whoa-whoa)
Landas ko, 'di pa malaman, hinawakan ang kamay
Ika′y nagsilbing gabay (whoa-whoa, whoa-whoa)

Hindi sigurado kung sa'n man patungo
Laging tandaan, walang mag-iiwanan (whoa, oh, oh)

Humawak, 'wag kang mag-alala, sumama, ′di ka nag-iisa
Nandito lang hanggang dulo, ito ang aking pangako
Humawak, ′wag kang mangangamba, liwanag, ikaw nagdadala
Nandito lang hanggang dulo, ito ang aking pangako

Hanggang dulo, whoa, ang aking pangako
Hanggang dulo, whoa, hindi magbabago

Mga alaala natin, laging balikan
'Di binitawan ang kamay kahit sa′n pa man
Kinilala no'ng nawawala pa, buong akala, walang pag-asa
Pasasalamat sa bawat akap, ngiting dala no′ng ika'y nahanap


Kahit na ang mundo ang lumalaban sa ′yo
Hindi bumibitaw gaya ng 'pinangako mo
Sakali man matupad mga munting pangarap, panghahawakan nating dalawa
Walang mawawala, 'kaw ang liwanag sa ′king mga mata

Hindi sigurado kung sa′n man patungo
Laging tandaan, walang mag-iiwanan (whoa, oh, oh)

Humawak, 'wag kang mag-alala, sumama, ′di ka nag-iisa
Nandito lang hanggang dulo (nandito ako), ito ang aking pangako (pangako)
Humawak, 'wag kang mangangamba, liwanag, ikaw nagdadala
Nandito lang hanggang dulo (nandito ako), ito ang aking pangako (pangako)

Paglipas ng panahon, hiling ko lang sa ′yo
'Wag kalimutan kung paano nagkakilala
Lagi mong sinasabi, "Ibigin ang sarili"
Laging magpapasalamat sa ′yo, nandito ako hanggang dulo

Humawak, 'wag kang mag-alala, sumama, 'di ka nag-iisa (hanggang dulo)
Nandito lang hanggang dulo, ito ang aking pangako (humawak sa ′king kamay)
Humawak, ′wag kang mangangamba, liwanag, ikaw nagdadala
Nandito lang hanggang dulo, ito ang aking pangako (pangako)

Hanggang dulo, whoa, ang aking pangako (dulo, dulo)
Hanggang dulo, whoa, hindi magbabago
Hanggang dulo, whoa (hanggang dulo), ang aking pangako
Hanggang dulo, whoa, hindi magbabago

Ähnliche Songtexte

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Dulo« gefällt bisher niemandem.