Songtexte.com Drucklogo

Anghel Songtext
von Stonefree

Anghel Songtext

Mula nang makilala ka
′Di na makapaniwala
Na kahit pa magkaiba
Tayo'y sadyang naging isa

Sa langit ay ba′t kumalas?
Nahulog ba mula taas?
Pakpak mo ay pakibaklas
Nang makasama ka ng mas madalas

Anghel sa lupa, mananatili ka
Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa, nahuhumaling na
Langit nadarama 'pag kapiling kita


Sana'y ′di na lumisan pa
′Di ko yata makakaya
Ang 'di ko na makita pa
Pagtitig mo sa ′king mata

Naliligaw ba ng landas?
Nariyan ka pa kaya bukas?
Pakpak mo ay pakibaklas
Nang makasama ka ng mas madalas

Anghel sa lupa, mananatili ka
Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa, nahuhumaling na
Langit nadarama 'pag kapiling kita

Dapat ba sa isang mortal
Ang sa iyo ay magmahal?

Anghel sa lupa, mananatili ka
Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa, nahuhumaling na
Nais kong ialay ang buong buhay ko sa ′yo
Sa 'yo, sa ′yo

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Stonefree

Fans

»Anghel« gefällt bisher niemandem.