Songtexte.com Drucklogo

Materyal Songtext
von Shanti Dope

Materyal Songtext

Ibibigay sa ′yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal

Dating nasa panaginip lang ang binibini na
Naging rason ng kada gising ko sa umaga
Kung magmahal ka, kalangita′y nagiging kama
Parang gabi-gabi kung makasiping ko si Darna
'Pag ika'y kayakap, mas lalo kong nalalaman
Ang ibig sabihin ng kayamanan
Kahit na halaga man ng pambayad, upa sa aming tahanan
Ay presyo lang ng nasa mesa nila tuwing agahan


Bagong telepono, magara na sapatusan
Ayon ay ′di ko maibibigay ang iyong layaw
′Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sa 'yo
Na laging ika-14 ng Pebrero kada araw
Halik mo ay hindi kayang tuldukan
Ng tamis na daig pananim sa tubuhan
′Di ka man mahandugan kahit maski pandesal
Pag-ibig ko ay hindi kayang tumbasan ng ano mang materyal

Ibibigay sa 'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na ′di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal

Pasensiya kung minsanan na lamang kita dalawin
Madalas lang talaga 'ko kailanganin do′n sa amin
Bakit wala kang kibo tuwing ikaw ay yayakapin?
Makasibat na nga, nanlalamig ka na ba sa 'kin?
Naku, sana 'wag naman, gustuhin ko mang agaran
Na dalawin kaso baka kumot mo′y nasa labahan pa
′Wag ka mag-alala sa aking kalagayan
Sa ngayon ay kaya ko nang ibigay sa 'yo ang kalawakan


Habang nakahiga′t magkahawak ang kamay
Labi mo'y tanging sa pisngi ko lang nakalagay
Tawanan hanggang sa mag-umaga
Mapakahirapan ay kasama mo akong umaray
Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong
Mga bagay na sana′y nagawa pa natin noon
Kung 'di ako nakatulog nang nagmamaneho′t
Gisingin ng dalawang higanteng ilaw na sa 'kin pasalubong

Ibibigay sa 'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na ′di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal

Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ′ko malamang
Kahit ang kaya ko lang iparamdam sa 'yo′y
Malamig na hangin, 'di ka man kayang yakapin
Nagawa kang tabihan nang ako lang ang may alam
Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ′ko malamang
Kahit ang kaya ko lang iparamdam sa 'yo′y
Malamig na hangin, 'di ka man kayang yakapin
Nagawa kang tabihan nang ako lang ang may alam (may alam)

Ibibigay sa 'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na ′di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Materyal« gefällt bisher niemandem.