Songtexte.com Drucklogo

SBN Songtext
von Rivermaya

SBN Songtext

At sa lamig ng umagang ito
Naalala ko ang ′yong ngiti
Na sumalubong sa ating tagpuan

Nagkandarapa'ng mga bituin
Kung sino′ng unang babagsak
Para ibigay ang ating tanging hinihiling

Nakuha pa nating tumawa kahit umiiyak
Ang tindi naman ng sinabi mo

Sobrang bagay natin
Puwede bang 'wag kang mag-alala?
Kahit malayo ka sa akin
Hindi naman nagbabago'ng nadarama
Habang tumatagal, habang tumatagal
Mas minamahal kita

At sa takbo ng awiting ito
Sana′y maalala mo
Ang bawat pangakong walang katapusan


Hindi man natin ginusto
Sa isa′t isa ay malayo
Manalig ka (manalig ka), kaya natin 'to

Nakuha pa nating tumawa habang umiiyak
Ang tindi naman ng sinabi mo

Sobrang bagay natin
Puwede bang ′wag kang mag-alala?
Kahit malayo ka sa akin
Hindi naman nagbabago'ng nadarama
Habang tumatagal, habang tumatagal
Mas minamahal kita

Ikaw na muna′ng bahala sa mga bata
Mga yakap at halik na 'di ko mapadala
Sabi nila, ang pag-ibig ay mahiwaga
Kahit mahirap, masaya

Sobrang bagay natin
Puwede bang ′wag kang mag-alala?
Kahit malayo ka sa akin
Hindi naman nagbabago'ng nadarama
Habang tumatagal, habang tumatagal
Mas minamahal kita

Mas minamahal...

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Rivermaya

Quiz
Welcher Song kommt von Passenger?

Fans

»SBN« gefällt bisher niemandem.