Songtexte.com Drucklogo

Monobloc Songtext
von Pupil

Monobloc Songtext

′Di alangan
Sa tukso ng ulan
Ang ihip ng hangin, tila nambibitin
Atin nang simulan

Kahit walang mapaglagyan
Bukas ang lansangan
Saan mag-aabang ng araw?

Sumama ka na
Huwag kang mawawala 'pagkat ngayong gabi′y puno ng alaala

Sabay nating saluhin
Anumang itapon ng bukas sa atin
Pipigtas
Ililigtas sa mga buwaya

Kasama ka sa 'king bukas
Kasama ka sa 'king bukas

Kahit ilang daang taon ang lumipas
Hinding-hindi makakahanap ng isang katulad ko (′Di ka ba nabubulag?)
Hinding-hindi mapapantayan


Walang gulong ang aking palad
Paano nga ba ang lumakad?
Buksan mo ang pinto
Naghihintay na ang buong mundo
Sa ′yo

Ano pa ang hahanapin?
Lahat na ay sa akin
Ano pa ang hahanapin?
Lahat ay nasa akin
Ah-ah

At kung alangan
Sa tukso ng ulan
Hindi mapapawi ang init ng labi
Sa bawat hakbang

Sa kaliwa o sa kanan
Lampas sa hangganan
Doon mag-aabang ng araw

Kailangan kita
Huwag kang mawawala 'pagkat ngayong gabi′y puno ng alaala

Sabay nating harapin
Anumang itapon ng bukas sa atin
Bangon sa hukay
Bigyan ng buhay ang pag-ibig na patay


Hukayin, buhayin ang pag-ibig natin (Kasama ka sa 'king bukas)
Hukayin, buhayin ang pag-ibig natin (Kasama ka sa ′king bukas)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Pupil

Quiz
Wer ist gemeint mit „The King of Pop“?

Fans

»Monobloc« gefällt bisher niemandem.