Songtexte.com Drucklogo

Marilag Songtext
von Press Hit Play

Marilag Songtext

Napakasayang mangarap
Mga matang kumukutitap
Ikaw ang aking hinahanap
Samahan mo ′ko sa mundong mayro'ng ikaw at ako (uh-uh)

Dis-oras na ng gabi at ako′y napapaisip
Maging laman kaya ikaw ng aking panaginip?
Siguro nga'y masyado nang praning dito sa gilid
Ha-ha-hay, medyo baliw-baliw na nga ang hirit
Babaeng napakasarap titigan
Mga ngiti mo lang sa akin ang nakahiligan
Ibang kaba nadarama dito sa aking puso
At nagagalak 'pag tayo′y nagkakatinginan, ha


′Di naman masyadong halata
Kapag kasama ka'y masyadong natutulala
Ako′y hibang na nga't ikaw ang dahilan
Kung bakit ko nalikha ′tong awit na kasingpusyaw ng langit
Ang sarap siguro 'pag ikaw na ang kasama
Sa pagtanda, at aawitan ng isang harana
Problema ay wala na, tinig mo pangpagana
Subok, garantisado, walang halong pampalasa

Pagbigyan mo lang ako, kapag ikaw ay naging akin
Papalarin, ′pakilala agad kita do'n sa amin
Pangako'y mananatili kang pagsisilbihan
Sa buong buhay ko, ikaw lang ang kakikiligan (miss)

Miss Marilag, puwede ka bang sumama sa ′kin?
Ikaw ang binibini na aking tanging dinadalangin
Yeah-yeah, dadalhin kita sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Girl, sana naman ay pagbigyan mo na ako (uh)
Para naman mapatunayan ko sa ′yo
Ang lahat ng mga sinasabi kong ito
Sumama ka't tara na sa mundong ikapito
Dalhin kita sa paraisong ′di mo pa nakita
Kung saan ang puso nating dalawa'y mahina
Ikaw at ako, laban sa mundo
Haharapin lahat, dito ka lang sa tabi ko, kaya naman
Labis na naniniwala na
′Pinakilala ka sa akin ni Tadhana


Pagbigyan mo lang ako, kapag ikaw ay naging akin
Papalarin, 'pakilala agad kita do′n sa amin
Pangako'y mananatili kang pagsisilbihan
Sa buong buhay ko, ikaw lang ang kakikiligan (miss)

Miss Marilag, puwede ka bang sumama sa 'kin?
Ikaw ang binibini na aking tanging dinadalangin
Yeah-yeah, dadalhin kita sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Napakasayang mangarap habang kasama ka
Mga matang kumukutitap, sapat na
Sa mga rason kung ba′t ikaw ang hanap, ′di ka nagiisa
'Di kita pababayaan kaya′t sumama na
Kaya sana naman (tara't sumama ka na)
Ooh, sana naman (sumama ka na)
Ooh yeah, ooh, sana naman
Sana naman ay mapagbigyan mo, whoa-ooh

Miss Marilag, puwede ka bang sumama sa ′kin?
Ikaw ang binibini na aking tanging dinadalangin
Yeah-yeah, dadalhin kita sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Miss Marilag, puwede ka bang sumama sa 'kin? (Sumama na sa akin)
Ikaw ang binibini na aking tanging dinadalangin (tara na, tara na, tara na, hey)
Dadalhin kita (dadalhin kita) sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Napakasayang mangarap
Mga matang kumukutitap
Ikaw ang aking hinahanap
′Di ka na mag-iisa, tara't sumama na

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Welche Band singt das Lied „Das Beste“?

Fans

»Marilag« gefällt bisher niemandem.