Songtexte.com Drucklogo

Banaag Songtext
von Munimuni

Banaag Songtext

Magmaliw man ang araw
Magtago man ang mga ilaw
Ako ay mananatili kailan pa man

Dumilim man ang mga kalsada
Mapundi man ang mga lampara
Ako ay mananatili kailan pa man

Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat

Tamarin man ang buwan
Mga tala′y maglaho man
Ako ay mananatili kailan pa man


Kahit mabulag ka man
O ang mundo'y gumuho man
Ako ay mananatili kailan pa man

Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat

Sa ′kin nagsimula, sa 'kin din babalik
Sa araw na tayo'y maging isa, ako ay nasasabik
Sapagkat ang mga kulay ng iyong buhay
Ay sinag ko lamang na hinimay-himay
At sa dulo ng lahat, ako′y iyong banaag
At ika′y magiging buo sa ilalim ng aking liwanag

Liwanag
Liwanag
Liwanag


Magmaliw man ang araw
Magtago man ang mga ilaw
Ako ay mananatili kailan pa man

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Munimuni

Quiz
Wer besingt den „Summer of '69“?

Fans

»Banaag« gefällt bisher niemandem.