Songtexte.com Drucklogo

Larawang Kupas Songtext
von MJ Cayabyab

Larawang Kupas Songtext

Sa isang larawang kupas
Ay aking nasilayang muli ang ating lumipas
Kung maibabalik ko lamang panahon at ang oras
Hindi sana lungkot at pagsisisi ang dinaranas

Hanggang sa mga sandaling ito, ′di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin sa 'ting lumang litrato
Ngunit sa ′yo, ewan ko
Ikaw ba'y iba na buhat nang tayo'y magkalayo?


Kapit-kamay tayong dalawa, nakangiti at kapwa masaya
At ang tunay na pagmamahal, nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas

Hanggang sa mga sandaling ito, ′di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin sa ′ting lumang litrato
Ngunit sa 'yo, ewan ko
Ikaw ba′y iba na buhat nang tayo'y magkalayo?

Kapit-kamay tayong dalawa, nakangiti at kapwa masaya
At ang tunay na pagmamahal, nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas

Ooh-ooh-ooh, salamat sa ′yo, ooh

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von MJ Cayabyab

Quiz
Wer singt das Lied „Applause“?

Fans

»Larawang Kupas« gefällt bisher niemandem.