Songtexte.com Drucklogo

Takda Songtext
von Maude

Takda Songtext

Sinabit ko sa bintana ang aking hiling
Saad ang mahabang listahan ng ′yong muling pagdating
May sukli nga ba ang maghintay?
Mahigawa ang dahilan kung ba't ′di ka abot kamay

Hinulog ko sa balon ang pisong dasal
Sana'y singbilis lang ng patak ang masaktan

Ang pagmamahal nga ba'y naghihintay?
Hindi ba′t tulad nating tumatanda′t namamatay
Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana
Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda
Ang takda


Katulad mo din ba ako, pangarap ang magbalik
Sa araw na tayo ay wala pang alam
Sa unang araw na magtagpo na masarap ang maging mangmang
Tila hindi iniisip na magtatapos ang saya

Hinulog ko sa balon ang pisong dasal
Sana′y singbilis lang ng patak ang masaktan

Ang pagmamahal nga ba'y naghihintay?
Hindi ba′t tulad nating tumatanda't namamatay
Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana
Kung h′wag na lang o tayo ba ang takda
Ang takda

Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana
Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda
Ang takda
Ang takda
Ang takda
Ang takda

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Whitney Houston sang „I Will Always Love ...“?

Fans

»Takda« gefällt bisher niemandem.