Songtexte.com Drucklogo

Escolta Songtext
von Jan Roberts

Escolta Songtext

Muli′t muli kahit paulit-ulit
Hihilingin makita kang muli
Mapawi ang pananabik
Pangangamusta na sana'y masambit

Hilahin mo akong muli
Pabalik sa oras na tayo′y sabik na sabik
Na magkita sa Escolta
Hawak-hawak mo akong mahigpit (mahigpit)
Habang nakatingin sa mga bituin
Hinihiling pangarap natin

Ngunit malabo nang mangyari
Dahil hindi na mauulit muli
Malabong bumalik ang oras
Dahil ikaw ay maligaya na sa iba

Maligaya na
Maligaya na sa iba


Bakit pa 'ko babalik
Kung noong nariyan pa sa 'yong tabi
′Di ka man lang umimik?
Napawi ang pananabik
Hindi na kaya pang manatili

Bitaw na, aking sinta (nariyan pa ba? Nariyan pa ba?)
Bitaw na, aking sinta (nariyan pa ba? Nariyan pa ba?)

Hilahin mo akong muli (hilahin mo ′kong muli)
Pabalik sa oras na tayo'y sabik na sabik
Na magkita sa Escolta
Hawak-hawak mo akong mahigpit
Nakatingin sa mga bituin
Hinihiling pangarap natin

Ngunit malabo nang (malabo nang) mangyari
Dahil hindi na mauulit muli
Malabong bumalik ang oras
Dahil ikaw ay maligaya na sa iba

Maligaya na
Maligaya na sa iba

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Escolta« gefällt bisher niemandem.