Songtexte.com Drucklogo

Bakit Ganyan Ka? Songtext
von Gracenote

Bakit Ganyan Ka? Songtext

Bakit ganyan ka? Pinapakilig mo na naman ako
′Di mo ba nahahalata ang mga ngiting 'di ko maitago
Kulang na lang ay matunaw kang parang isang yelo
′Di ka mawalay sa aking mga titig na nakakapaso, oh

Bakit ganyan ka? 'Di nakakasawang kasama maghapon
Kung ano-ano na ang napag-uusapan pero 'di napapagod
Sarap ng kwentuhan, nagkaintindihan, sagot sa mga tanong
Akala ko pa ay imposibleng ikaw ay totoo

Ano ba ang mayro′n sa ′yo, oh?
Mayro'n sa ′yo, oh, mayro'n sa ′yo, oh?
Ano ba ang mayro'n sa ′yo, oh, mayro'n sa 'yo?


Kahit ang langit ay nakikiawit sa ating sariling himig
Kulang ang bakit sa dami ng aking tanong, laging iniisip
Kung bakit ka ganyan? (Bakit ka ganyan?)
Kung bakit ka ganyan?

Bakit ganyan ka? ′Di ko na yata kakayanin ang agos
Kasama sa hirap at ginhawa, mga salitang tapos
Masama bang magtanong sa Maykapal kung bakit tayo nagtagpo?
Ano ba ang mayro′n sa 'yo, oh, mayro′n sa 'yo?

Kahit ang langit ay nakikiawit sa ating sariling himig
Kulang ang bakit sa dami ng aking tanong, laging iniisip
Kung bakit ka ganyan? (Bakit ka ganyan?)
Kung bakit ka ganyan?

Bakit ganyan ka? (Bakit ka ganyan?)
Bakit ganyan ka? (Bakit ka ganyan?)
Bakit ganyan ka? (Bakit ka ganyan?)
Bakit ka ganyan?

Kahit ang langit ay nakikiawit sa ating sariling himig
Kulang ang bakit sa dami ng aking tanong, laging iniisip

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gracenote

Fans

»Bakit Ganyan Ka?« gefällt bisher niemandem.