Songtexte.com Drucklogo

Panaginip Songtext
von EMN’98

Panaginip Songtext

Hindi alam kung saan tayo dadalhin
Haplos ng labi mo, sa akin lang ang gusto kong damhin
Bawat hawak mo sa akin, bawat haplos mo sa gabing madilim
Aking hahanap-hanapin

′Pag naiwang mag-isa
Tila lahat nag-iiba
Ibang-iba ang hangin 'pag kasama ka
Kada hawak mo sa akin, nakakapigil-hininga

Makakapagpigil pa ba?
Makakapagpigil pa ba?

Ang diin ng paghalik mo sa akin
′Di ko inakalang 'di na babalik
Bawat dikit ng labi natin
Naiiwan lang akong lalong nasasabik

'Di ko na sana pinikit aking mga mata
Baka sakaling ′di ko na namalayan na umaga na
Kung puwede lang ihinto ang oras kahapon
′Di na 'ko papayag na agad akong bumangon


Nananatili, nananatili ka sa isip
Kahit pa ipilit ko, ikaw ay lalayo din
Pagkalipas ng gabi at pagsapit ng umaga
Alam kong ika′y wala na

Hanggang kailan ko pipilitin na magkunwari
Ang mga ngiti ng labi mo na nagmamadali
Na mawala kasi hindi na pala totoo?
Hanggang panaginip na lang tayo magtatagpo

'Di ko mapigil ang kaba
Kasi alam ko na wala ka na

Ang diin ng paghalik mo sa akin
′Di ko inakalang 'di na babalik
Bawat dikit ng labi natin
Naiiwan lang akong lalong nasasabik

′Di ko na sana pinikit aking mga mata
Baka sakaling 'di ko na namalayan na umaga na
Kung puwede lang ihinto ang oras kahapon
'Di ako papayag na agad akong bumangon

Panaginip na lang kita mahahawakan
Hanggang kailan matitiis? Ika′y nasa kalawakan na
Hindi ko mapigilang hanapin ka
Ayoko pang gumising, ayoko pa


Ang diin ng paghalik mo sa akin
′Di ko inasahang 'di na babalik
Bawat dikit ng labi natin
Naiiwan lang akong lalong nasasabik

′Di ko na sana pinikit aking mga mata
Baka sakaling 'di ko na namalayan na umaga na
Kung puwede lang ihinto ang oras kahapon
′Di na 'ko papayag na agad akong bumangon

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer singt das Lied „Applause“?

Fans

»Panaginip« gefällt bisher niemandem.