Songtexte.com Drucklogo

Maskara Songtext
von Dilaw

Maskara Songtext

Iba′t ibang anino, pare-parehas ang anyo
Sari-saring kuwartong bubukod sa isipan mo
Nasimot na ang yago, hanggang kailan ka yuyukdo
Mula sa matakip-silim na maskarang ginamit mo?

Hmm-mmm-mmm
Oh, oh-oh-oh

Magdiriwang sa silid
Nakapikit, nakakubling magsasayaw
Wala ka nang matatanaw
Bawat padyak, hatid ay ligaw

Lingid sa 'yong mga mata, madilim o maliwanag
Balatkayo magkaila, wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata, ′suot muli ang maskara

Tumatalukbong sa pekeng anyong
Mistulang pagong, ang sarili'y kulong
Halong sagot at tanong ang bulong
Ng taong puti o itim ang bulong


Magsusuot ng mas-, karamihan sa kanila, ha
Hamakin ang isa't isa, animo′y anino
Magsusuot ng mas-, karamihan sa kanila, ha
Hamakin ang isa′t isa, animo'y anino niyang
Nagdarasal, nangungumpisal
Magandang asal, gawaing moral
Silang maraming daldal, mga hinalal
Oh, mga hangal

Nagbubulag-bulagan sa taimtim na buwan
Mga bula-bulaan, nagsama sa isang dula
Wala ka nang magagawa
Mabubura ang maskara

Lingid sa ′yong mga mata, madilim o maliwanag
Balatkayo magkaila, wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata, 'suot muli ang maskara

Lingid sa ′yong mga mata, madilim o maliwanag
Balatkayo magkaila, wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata, 'suot muli ang maskara

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Welcher Song ist nicht von Britney Spears?

Fans

»Maskara« gefällt bisher niemandem.