Songtexte.com Drucklogo

Bata Songtext
von Davey Langit

Bata Songtext

Nais ko ang magbalik sa panahong
Pinapatulog pa ako
Ng nanay ko ′pag hapon

Kunwa-kunwaring iidlip
Pagkalipas ng ilang saglit
Ako'y tatakas na′t makikipaglaro

Uuwi ka ng madungis
At basang-basa sa pawis
Papaliguan ka't pakakainin

Kahit na anong gawin
'Di ka nila matitiis
Bago matulog may halik pang kay tamis

Kay sarap lang talagang balikan
Ang malaya nating nakaraan
Kaya′t sa aking pag-idlip
Kahit dun man lang sa ′king panaginip


Gusto ko lamang magbalik
Kahit saglit, kahit lamang sandali
Sa aking pagkabata
Takasan ang problema
Dito muna magsaya
Ang hirap pa lang tumanda, ha
Magaling lang ako sa pagiging bata

Alam ko na
Kahit pa anong aking gawin
Hindi totoo ang time machine

Kailangan kong mabuhay pasulong
'Di pwedeng paurong
Ganyan talaga ang buhay

Kapag pasan mo na rin pala ang daigdig
′Di maiwasang mainggit
Sa naglalaro na bata

Na nagpapanggap nang mama
O 'di lang nila alam
Ganito pala kahirap tumanda

Kay sarap lang talagang balikan
Ang malaya nating nakaraan
Kaya′t sa aking pag-idlip
Kahit dun man lang sa 'king panaginip


Gusto ko lamang magbalik
Kahit saglit, kahit lamang sandali
Sa aking pagkabata
Takasan ang problema
Dito muna magsaya
Ang hirap pa lang tumanda, ha
Magaling lang ako sa pagiging bata, ha

Ang hirap pa lang tumanda, ha
Magaling lang ako sa pagiging bata

Kung bibigyan ako ng pagkakataon
Gusto kong bumalik sa mga panahon
Na kung saan musmos ang kalagayan
Sa mura kong isipan pinuspos ng kagalakan

Sa mga kaganapan ng nakaraan (nakaraan)
Pagkaway sa bawat eroplano na dumaraan
Aliw sa mga kuwento ni Pedro at ni Juan
Masaya na umaawit sa tapat ng electric fan

Taguan, habulan, mataya-taya
Sikyo, s′yato, patintero, masaya
Maghapon na maglalaro sa labas
Ang pagod sa mukha ay hindi mababakas

Ang tanging pangamba ay sinturon ni ama
Laging kayakap kay inay ng mawala ang kaba
Ilan lamang 'yan sa mga matamis na alaala
Kaya nais ko na bumalik sa pagkabata

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Davey Langit

Quiz
Whitney Houston sang „I Will Always Love ...“?

Fans

»Bata« gefällt bisher niemandem.