Songtexte.com Drucklogo

Payo Songtext
von Asin

Payo Songtext

Minsan ay nasabi ng aking lola
Ang buhay kung tingnan, mahiwaga
Pati na rin ang oras, ′di makuha
At ang umpisa ay tapos na

Lipad nang lipad ang ibong kay ganda
Bulaklak na makulay sa mata
Dinggin ang himig ng hanging malamyos
Tingnan ang lupang sagana sa ating pagod

Saan ka lulugar, kasama ko?
Sabihin mo, oras ay tumatakbo
Umiikot ang mundo
Ang buhay, 'di maghihintay sa ′yo, hmm


Bigyan ng daan ang diwa ninuman
'Pagkat ito'y mula sa hinog na isipan
Sa kinang ng ′yong buhay sa lansangan
Sila ay kailangan ring pakinggan

Saan ka lulugar, kasama ko?
Sabihin mo, oras ay tumatakbo
Umiikot ang mundo
Ang buhay, ′di maghihintay sa 'yo, hmm

Ipagdiwang ang buhay na daratal
Ito′y likha, isang kababalaghan
At ito'y ′di sa 'yo lamang
Ngunit, para sa tao na nasa kapaligiran

Saan ka lulugar, kasama ko?
Sabihin mo, oras ay tumatakbo
Umiikot ang mundo
Ang buhay, ′di maghihintay sa 'yo


Saan ka lulugar, kasama ko?
Sabihin mo, oras ay tumatakbo
Umiikot ang mundo
Ang buhay, 'di maghihintay sa ′yo, hmm

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Asin

Quiz
Wer ist kein deutscher Rapper?

Fans

»Payo« gefällt bisher niemandem.