Songtexte.com Drucklogo

Mahika Songtext
von Abaddon

Mahika Songtext

Kung alam mo lang
Aking nararamdaman
Tuwing makikita ka
Ay para kang anghel
Saking harapan
Na balot ng mahika

Bago ang lahat,
Nais kong sabihin sa′yo
Ang mga nilalaman
Ng aking isipan,
Simula ng aking napanaginipan
Magpasahanggang ngayon
Patuloy na iniingatan
Ang bawat, mga sinasabi mo
Ay parang kayamanang
Tinanggi mula pa nung una,
Sa karera sakin puso
Ikaw ang nanguna
Bakit pumreno ang sabi mo


Teka muna,

Para bang gayuma,
Biglang nagka magic,
Mahal kita teka huwag
Kang magpapanic,
At habang kapiling ka
Napupunan ang pananabik,
Habang kasama ka
Busog ako sa yakap at halik,
Na para bang isang balita,
Sa tuwing umaga
Ikaw ang nais makita,
Ano bang hiwaga
Bakit nagiging makata,
Pag nasilayan ka

Na para bang diwata't
Di′ ko na alam,


Lahat ng nais kong gawin
Ikaw ang nagiging basehan
At ang aking konsepto,
Lagi ng kumpleto ang bawat
Araw saking dadaan
At napakagandang tanawin
Lahat ng mamasdan
Ng mga mata na
Kumikinang na parang
Bling bling,
Bawat sulok ay puro larawan
Sa dingding,
Pangalan mo ay
Tinato ko na sa dibdib ko

'Pagkat naman ganyan
Kalaki pag ibig kong
Di' magiba,

Bibilib ka ba kung sakaling
Gawin ko′ng mga bagay na
Di′ mo inaakala,
Magkaro'n kaya sa labi mo
At sa′yong mga mata ng ngiti
Pag binaba ko'ng mga tala,
Maniwala ka kaya
Na kung sakaling magawa ko′ng
Mga bagay na sa palagay
Mo'y imposible,

Kasi sa pag ibig
Lahat para bang minagic
Kahit anong naisin mo,
Pwede nang mangyari,

Kung alam mo lang

Aking nararamdaman
Tuwing makikita ka
Ay para kang anghel
Saking harapan
Na balot ng mahika

Kakaiba ka talaga.
Lahat lahat na yata
Ay nasa′yo,
Papano ka kaya
Malalapitan ng maamin sa'yo

Ako'y ′sang prinsipe,
At ikaw naman
Ang aking prinsesa
At habang nakasakay
Sa kalesa nakahain
Na′ng pagkain dun sa mesa
Na parang istoryang
Natupad sa tunay na buhay

At di'ba napaka romantic
Para bang minagic,
Samantalang dati
Napakalayo mo sakin
Katunayan ako ay isa
Mong fanatic na para
Bang addict,

Dahil sa′yo natutunan
Ko kung pano ba gumamit
Ng cellphone
Para makausap ka at marinig
Ang boses mo kahit
Barya na lang ihuhulog

Pa sa payphone (hello)
Di' ko na matago pa
Ang siyang nadarama,
Mabuti nga ngayon
Tayo′y nagkaalaman na,
Umabot na sa'yong balita
Na mahal kita,
Salamat po pala,

Ngayon kasama na kita
Di′ na para pakawalan pa
Nabihag ka na saking
Mga bisig,
Wala ka ng magagawa
Aking sinta, kun'di ang
Mahulog saking mga titig,

Huwag ka ng mag alangan
At alam mo naman
Na kung gano ko kasaya
Kapag kasama na kita,
Para bang panaginip
Hindi ko na gusto pa
Magising baka kasi
Di' na maulit pa,
Sayang naman kung,

Mauwi sa wala lahat ng
Pinaghirapan sana di′
Magkaganun,
Sapagkat wagas at para bang
Bagong pitas na rosas
Kung umibig ang

Batang taga malabon
Sana maniwala ka
Sa mga sinasabi
Kasi di′ naman kita
Binibola,
Sa mga dinanas at sakin

Pinagdaanan ikaw na siguro
Ang binigay sakin
Ni bathala bilang
Gantimpala,

Kung alam mo lang
Aking nararamdaman
Tuwing makikita ka
Ay para kang anghel
Saking harapan
Na balot ng mahika

Kakaiba ka talaga.
Lahat lahat na yata
Ay nasa'yo,
Papano ka kaya
Malalapitan ng maamin sa′yo

Saking mga liham ay
Nakasaad ang mga salita
Na di' ko magawang mabigkas,
Parang binigay na payo
Ni balagtas,
Na parang sobra sa lalim
Ay luimampas sa lupa
Na pinagmulan kung
Sa′n ko tinanim ang
Gumamela na sayo'y
Iniregalo ko
Di′ ko malimot ang ating
Nakaraansalamat
Nga pala sa'yo
At nagawa mo na
Makadalo
Sa ating tagpuan na
Tayo lamang dalawa
Ang nakarating na para bang
Lihim na hardin,
Mga luhim ko na kaytagal
Ko na ring tinatago
Pero para sayo nagawa
Kong sambitin,
Di' ko sukat akalain na
Magkakaganito na parang
Ako′y nakapulot
Ng isang milyon
Ang sabi nila sakin
Pero sabi ko naman sa kanila
Na ang katulad mo
Ay walang kasinghalaga,
Ikaw ay naiba,
Parang labada na puti
Dapat ikaw ay palagi
Lamang nakabukod,

Sa mga sandaling kaylangan
Mo′ng malalapitan
Lumingon ka lang at ako
Ay nasa iyong likod,
Huwag ka ng mag alangan
At nakikita mo naman
Na kung gano ko
Kainteresadong
Makasama ka,
Parang beauty and the beast
Ano man ang pinagdaanan
Nagawa nating lampasan
Tayong dalawa,

Di' ko man inaasahan

Bawat aking ginawa
Para sa′yo sapat na'ng
Ngiti bilang kapalit,
Kagustuhan na mayakap kita,
Mahalikan kahit minsan
Di′ mo naman sakin ipinagkait,

Bago bitawan ang salita
Na para bang may mahiwaga
Para sakin itinuring
Ko na panapos,
Mahal kita di' mo man

Magalata pero sa aking
Puso ito ay taos,
Adios!

Kung alam mo lang
Aking nararamdaman
Tuwing makikita ka
Ay para kang anghel
Saking harapan
Na balot ng mahika

Kakaiba ka talaga.
Lahat lahat na yata
Ay nasa′yo,
Papano ka kaya
Malalapitan ng maamin sa'yo

Kakaiba ka talaga.
Lahat lahat na yata
Ay nasa'yo,
Papano ka kaya
Malalapitan ng maamin sa′yo!

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Abaddon

Quiz
Welcher Song ist nicht von Britney Spears?

Fans

»Mahika« gefällt bisher niemandem.