Songtexte.com Drucklogo

Lunti Songtext
von 123 Pikit!

Lunti Songtext

At nandito ka na naman
Sa pagitan ng mata ng pag-ibig at kasalanan
Na hindi ko mahindian
Kumakalam ang isipang hindi ka na maiwasan

′Di maintindihan ba't ′di ka maintindihan
Ligayang inaasam, sa 'yo lamang naramdaman

Ikaw lang ang nasasandalan
Sa hangganan ng katinuan
Ikaw lang ang katotohanan
Sa lahat ng kasinungalingan sa mundo
Sa mundo


Sino nga ba ang may alam?
Baka nagkakamali lang, 'dI ko alam
Dapat bang husgahan ang pakiramdam?

′Di maintindihan ba′t 'di ka maintindihan
Ligayang inaasam, sa ′yo lamang naramdaman

Ikaw lang ang nasasandalan
Sa hangganan ng katinuan
Ikaw lang ang katotohanan
Sa lahat ng kasinungalingan

Ikaw lang ang nakakanlungan
Sa digma ng mga kahulugan
Ikaw lang ang katotohanang
'Di mapapantayan ng sino pa man sa mundo


′Di maintindihan ba't ′di ka maintindihan (sa mundo)
Ligayang inaasam, sa 'yo lamang naramdaman (sa mundo)
'Di maintindihan ba′t ′di ka maintindihan (sa mundo)
Ligayang inaasam, sa 'yo lamang naramdaman

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer will in seinem Song aufgeweckt werden?

Fans

»Lunti« gefällt bisher niemandem.