Songtexte.com Drucklogo

Pulso Songtext
von Zack Tabudlo

Pulso Songtext

Ilang beses ko bang sasabihin?
Mukha kang beauty queen
Kahit ika′y magsalamin
Tanggalin mo man ang makapal na lipstick
Labi'y pulang-pula pa rin
Walang magpapabago sa ′king isip

Baliktarin mo man ang mundo
Ikaw talaga ang aking gusto, oh, oh
Pagpasensiyahan mo na kung gan'to ako
Ikaw na lang ang nakikita sa pasilyo

Oh, kay dami-raming tao sa paligid, ikaw lang ang pansin
Dumadagdag pa sa isipin
Puwede ba ako'y iyong dinggin? Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso kapag ika′y nakatingin na sa akin

Oh, oh


Isa lang naman ang hiling sa mundo, ika′y mapaakin
Sawang-sawa na ako
Lintik kasi na pag-ibig 'to lagi na lang pinapaasa
Siguro naman ikaw na ′to

Baliktarin mo man ang mundo
Ikaw talaga ang aking gusto, oh, oh
Pagpasensiyahan mo na kung gan'to sa ′yo
Ikaw na lang ang nakikita sa pasilyo

Oh, kay dami-raming tao sa paligid, ikaw lang ang pansin
Dumadagdag pa sa isipin
Puwede ba ako'y iyong dinggin? Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso kapag ika′y nakatingin na sa akin

Ikaw na talaga nakikita ko
Makasama habang-buhay na 'to
Hanggang sa pagtanda
Ikaw ang diyosa ng buhay ko

Oh, kay dami-raming tao sa paligid, ikaw lang ang pansin
Dumadagdag pa sa isipin
Puwede bang ako'y iyong dinggin? Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso kapag ika′y nakatingin na sa akin (hey!)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Zack Tabudlo

Quiz
Welcher Song kommt von Passenger?

Fans

»Pulso« gefällt bisher niemandem.