Songtexte.com Drucklogo

Gusto Songtext
von Zack Tabudlo

Gusto Songtext

Ako′y natutulala, araw-araw nakikita
Hindi alam, ako'y nakamasid, hindi mo lang ako napapansin
Hanggang tingin na lang ba sa ′yo? 'Di makalapit sa ganda mo
Gusto lang na makilala pa kaso medyo nahihiya

Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na (hoo)

Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
'Pag tayo na lang dalawa, hindi lang masabi ′pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa ′yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba, 'wag nang pahirapan pa, andito na

Totoo na nga ba ′to? Medyo hindi napagtanto
Matagal na kitang kilala, simula pa lang no'ng una, nandito na
Ang hirap din patagalin kasi maraming nakakapansin
Lahat nabibighani, hindi ko naman masisi

Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na


Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
′Pag tayo na lang dalawa, hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa ′yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba, 'wag nang pahirapan pa, andito na

Hindi rin makaimik kahit pa makatabi
Nawawala aking tapang, 'pag malapit ka na, bigla akong naduduwag
Mangangarap na lang ba na ikaw ang kasama?
Ayoko nang mag-isa

Al James, let′s go (yeah, yeah)

Kabado pa no′ng una, plano makausap
Lakad pakalmado pero parang nalulula
Daming nakausap, 'kaw ang napusuan
Binibini, gagawan ng paraang makuha ka
Ikaw na nga ′yun at walang iba
Okay lang 'yan, mundo man natin ay magkaiba
Mapagod man ako, ikaw ang aking pahinga
Sabay sasalubungin ang umaga nang nakahiga


Sa tuwing kasama ka, para ′kong lumulutang (wow)
Kung ga'no kasaya, ′yun ang 'di ko masukat (no)
Lakas ng amat, 'di kaya ′ko ginayuma? (Let′s go)
Hanggang ngayon, kapit pa rin sa akin halimuyak niya
Gumagaan lahat ng pabigat (gumagaan lahat ng pabigat)
Patuloy lang tayo sa pagliyab (patuloy lang tayo sa pagliyab)
Kung lahat 'to, panaginip lang
Paggising ko, pangako ′yan, agad kong sasabihin na

Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
'Pag tayo na lang dalawa, hindi lang masabi ′pag may iba (hindi masabi)
Gusto lang naman na aminin sa 'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba (wala nang iba), ′wag nang pahirapan pa, andito na

Andito na (yeah, yeah, yeah, yeah)
Yeah-eh, yeah
Hey (yeah)
Pa-pa-pa-pa-pa-pa

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Zack Tabudlo

Quiz
Welcher Song ist nicht von Robbie Williams?

Fans

»Gusto« gefällt bisher niemandem.