Songtexte.com Drucklogo

Kandarapa Songtext
von YoungBoy Nuke

Kandarapa Songtext

Kita ko sa-iyo na
Gusto mo rin ako sinta
Huwag ka′ng mag-alinlangan pa
Na sa'kiy aminin
Di mo kailangang ilihim
Pwede mo sa′king sabihin
Kasi totoong akoy nagkakandarapa sayo


Kung di ikaw kausap ayoko maabala
Handa akong mapag-isa kung di ikaw kasama
Mas mainam ng magsolo kung iba ang ikakama
Basta sayo ko lang gusto na magkandarapa
Tama ko sayo bae napakalala na
Takot na rin ako'ng ikaw mawala pa
Pagkikitang patago di na gagana
Payag na'ko na iyo′ng ipakilala
Gawin natin to′ng legal
Sa total nararamdaman ko sayo natural
Baka sabihin mo na lasing lang di ako normal
Nasasabi ko lang to kasi may halong kemikal
Pero di ako lasing
Katunayan diyan sayo ako'y aning
Makasama ka palagi ang daing
Pag naiisip ka ang diwa ko gising
Sa sobrang daming pumapasok na pwede nating gawin
Tulad ng maging tayo na palagi
Kung manalo sa ginagawa ikaw maging kahati
Bumuo ng kwento na ika′y bahagi
Pwede naman yun diba kung baka sakali
Walang di kayang gawing paraan
Sumang ayon kalang at umamo sa'king mga plano
Alam kong ika′y nakukulitan
Sa'king mga ibas eh kasi lahat toh sayo bago
Basta sinasabi ko kahit san man tayo dumako
Perat estado lang sa atin ang pwedeng magbago
Pero ang nadarama sayo yun ang malabo
Masgugustohin pang arawan tayo magtalo
Paghumupa lambingin
Pagkatapos kulitin
Kung magalit ka ulit
Halikan ng di bitin
At ganun lang din palagi
Sayo ang gagawin
Kung sakaling kagalit ka′t
Ayaw mo tumabi
Di rin naman ako payag
Lumamig ating gabi
Gagawa at gagawa ng paraan na magbati
Dalawa ibig sabihin pero di pipilitin
Yung isa'y para sa palad mo di na para sabihin
Kung tayo ay manlamig
Susubukang painitin
Sana ay mabatid mo ang mga ibig-sabihin
Walang halong biro
Huwag mo naman isipin
Ang katunayan diyan gusto na kitang ibigin
Kasi ayoko nang ilihim
Mga nararamdaman kapag ika'y kapiling
Tipong may ibig-sabihin
Pagsasama natin di lang basta makasiping
Kasi yoko′ng mag-isang tumanda
Gusto kong may makasamang tulad mo na handa
Sa kahit ano na bagay malayong tumangka
Kumalas sa kawalan o sa′kin ay lumamya

Kaya kung ika'y sang-ayon man sa ganito
Huwag kang mag-aalala ako bahala sa-iyo
Handa akong tumaya na gawin natin to′ng totoo
O kahit na ang ibigay ko pa lahat ng gusto mo

Kita ko sa-iyo na
Gusto mo rin ako sinta
Huwag ka'ng mag-alinlangan pa
Na sa′kiy aminin
Di mo kailangang ilihim
Pwede mo sa'king sabihin
Kasi totoong akoy nagkakandarapa sayo
Akoy nagkakandarapa sayo oh
Akoy nagkakandarapa sayo oh
Kakandarapa sayo oh
Hmmm

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Welcher Song ist nicht von Britney Spears?

Fans

»Kandarapa« gefällt bisher niemandem.