Songtexte.com Drucklogo

Sea Song Songtext
von Unknown Artist

Sea Song Songtext

Maari ba muna natin tong pagusapan
Sa dami-rami na ng ating pinag daanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinagsamahan
Masikip sa damdamin hinigop ng hangin
Ang lakas, pinaghihinaan ng wagas
Pwede bang pag isipan wag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay masalba pa

Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati

May pag asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na


Bawat pangarap na ating pinagusapan
Pupunta na lang ba ito sa wala
Hayaan mong ituwid ang pagkakamali
Sa mga oras na to alam kong ika′y lito

Lumalamig na ang gabi
Hindi na tulad ng dati

May pag asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na

May pag asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Sea Song« gefällt bisher niemandem.