Songtexte.com Drucklogo

Ikaw (Part I) Songtext
von TONEEJAY

Ikaw (Part I) Songtext

Ikaw

Ikaw ang langit sa taas ng aking ulo
At ikaw ang lupa sa aking talampakan
Ikaw ang hangin sa bawat hinga ng mundo
At ikaw ang mga baga na sumasama sa bawat pagbuga


Ikaw ang mga dahon sa gubat na iyong angkin
At ikaw ang ilaw na tumatagos at nagpapahinga sa iyong mga paa
Ikaw ang araw sa galit ng tanghali
At ikaw ang buwan sa kanlungan ng gabi

Ikaw ang lamig sa tindig ng mga balahibo
At ikaw ang init sa namumulang mga pisngi
Ikaw ang tubig sa dagat, sa lawa, at sa gripo
Ngunit ikaw din ang tagtuyot sa buwan ng Marso

Ikaw ang kawalan at ikaw ang mayroon
Ikaw ang katabi ko kapag ako′y nag-iisa
At ikaw ang nand'yan ′pag ako'y nawawala

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Ikaw (Part I)« gefällt bisher niemandem.