Songtexte.com Drucklogo

Alaala Songtext
von TONEEJAY

Alaala Songtext

Kay bilis naman ng oras
Parang kailan lang, bata pa tayo
Walang ibang iniintindi
Kundi ang tamang pag-akyat ng mga puno

Puwede bang tumigil ang oras
Kahit sa isang sandali lang?
Kailangan kong maalala lahat
Ng ating mga pinagdaanan

Minsan, sa pag-ihip ng hangin

Naririnig ko pa ang ating munting

Mga tawa

Alaala


Kay bilis naman magbago
Araw-araw ay hinihila tayo
Palayo nang palayo
Hanggang sa ′di ka na maabot ng aking puso

Minsan, sa pagbuhos ng ulan

Naririnig ko pa ang ating munting

Mga luha

Alaala

At kung bukas ay wala ka na
Sapat na'ng naaalala pa kita

Pa-pa-pa-pa, pa-pa-pa-pa
Pa-pa-pa-pa, pa-pa-pa-pa

Naaalala mo pa ba′ng ating

Mga sikreto na pinambili?

Ng alaala?

Naaalala

Alaala

Naaalala

Kay bilis naman ng oras

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer singt über den „Highway to Hell“?

Fans

»Alaala« gefällt bisher niemandem.