Songtexte.com Drucklogo

Anino Songtext
von Stell

Anino Songtext

Ako ay nandito lamang sa tabi mo
At kahit kailanma′y 'di kita iiwan
Dahil ang tala ko′y nabihag ng mata mo
Pero wala 'kong anino sa tuwing nariyan ang liwanag mo

At kahit na gano'n pa man ay yayakapin lamang kita
′Wag nang mag-alala pa, kailanma′y 'di na mag-iisa
Habang-buhay kitang mamahalin (ooh)

Walang hindi ko kaya para sa iyo
Handa ′kong maglaho kung 'yon ang bubuhay sa liwanag mo
Dala ko′ng pangako sa 'yo na palasyo
Na gawa sa mga batong binulsa
Nilikom ang naipong bigat na ′yong dala-dala


At kahit na gano'n pa man ay yayakapin lamang kita
'Wag nang mag-alala pa, kailanma′y ′di na mag-iisa
Habang-buhay kitang mamahalin

Ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh

Oh, heto ako, bibigyan ng kinang ang pangalan mo
Ang layon ng bawat paghingang ito, ibigay sa 'yo
Lahat ng magagandang bagay sa mundo

Oh, wala ito, malalim man ang sugat na aking natamo
Wala pa ′yan sa kalingkingan ng pagmamahal ko
Buong pagkatao, kahit mawalan pa ng anino

At kahit na gano'n pa man ay yayakapin lamang kita
′Wag nang mag-alala pa, kailanma'y ′di na mag-iisa
Habang-buhay kitang mamahalin

Kahit 'di mo batid
Ooh

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer singt das Lied „Haus am See“?

Fans

»Anino« gefällt bisher niemandem.