Songtexte.com Drucklogo

Tuliro Songtext
von Sponge Cola

Tuliro Songtext

Labis akong nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling ika′y makapiling
Giliw, hayaang lumapit
Huwag mo sanang ipagkait mamalas ang langit

Ano'ng nadarama tuwing makikita kang dumarating?
Tuliro, hindi malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa ′yo

Wari'y 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika′y mamalagi
′Di na muling malulumbay sa aking paggising


Ano'ng nadarama tuwing makikita kang dumarating?
Tuliro, hindi malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa ′yo
Ano'ng nadarama?

Ano′ng nadarama, ngayo'y sa isip ko′y hindi ka maalis?
Tuliro, hindi malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo, oh, oh

Ano'ng nadarama ngayon at nandirito ka sa ′king tabi?
Tuliro, hindi malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa ′yo

Ano'ng nadarama? (Whoa)
Ano′ng nadarama? (Whoa)
Ano'ng nadarama? (Whoa)
Ano′ng nadarama? (Whoa)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Sponge Cola

Fans

»Tuliro« gefällt bisher niemandem.