Songtexte.com Drucklogo

Anak Songtext
von Side A

Anak Songtext

Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo′y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama′y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo


At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa′y para sa iyo
Pagkat ang nais mo′y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba′t ka nagkaganyan"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin

Nagsisisi at sa isip mo′y
Nalaman mong ika'y nagkamali

Nagsisisi at sa isip mo′y
Nalaman mong ika'y nagkamali

Ika'y nagkamali
Ika′y nagkamali

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Side A

Fans

»Anak« gefällt bisher niemandem.