Songtexte.com Drucklogo

Nadarang Songtext
von Shanti Dope

Nadarang Songtext

Andiyan ka na naman
Ba′t 'di ko maiwasang tumingin sa ′yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?

Andiyan ka na naman
Ba't ′di ko maiwasang tumingin sa ′yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan

May lakad ka ba mamaya?
Puwede ka ba makasama sa paggagala?
Kung sakaling ′di ka puwede
Sa bagay, mayro'n din akong ginagawa
Siguro nga, napapaisip ka
Ba′t ako nangangamusta?
Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko
Nag-aalala lang ako, baka sa'n ka mapunta


Pero mukhang ayos ka naman
Kahit ′di na kita abalahin pa
Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat
Para patago kang mag-alala sa 'kin? Uh
Habang pinapantasya lamang nila
Ay maskara mo sa gabi at pitaka mo sa umaga
'Yung "ikaw" sa likod ng kolorete pa din
Ang nangangahulugan sa salitang "paraiso" para sa ′kin

Bakit kaya kayamanan ko pa din kinikilala ang iyong pagtawa?
Kahit na sa puso mo man ay ilang dosena na din ang kasya
Dati pa ′ko pinagdamutan ng kapalaran
Kaya 'di na bago sa ′kin mawalan ng pag-asa
Ala-una ng umaga na naman
Tawagan mo na lang ulit ako kapag hindi na kayo magkasama

Andiyan ka na naman
Ba't ′di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa ′yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?

Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa ′yong liwanag?
Nadarang na naman sa ′yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan


May lakad ka ba mamaya?
Sana madaanan mo 'ko pagkatapos
Sabihin mo ngayong ako′y makakaasang
Dito ka dadalhin ng iyong sapatos
Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan
Ay handang-handa pa din naman ako mamaos
Makakaluwag ka man ay sa mas nakakalibang
Na paraan kita tutulungan makaraos

Bakit ka nagparamdam?
Siguro, 'di na kayo nilanggam
Bakit kaya ′di n'ya alam
Ang ′yong halaga't kung gaano ka kalinamnam?
Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata
Ang hirap nang magpabaya
Kapag tawag na ng laman ang nagbadya
Makipaglangit-lupa nang walang taya

Mata sa mata, bibig sa bibig
Mga ingay na tayo lang dalawa nakadinig
Nakatawang umidlip sa kama
Pero ba′t wala ka na pagsapit ng umaga?

Andiyan ka na naman
Ba′t 'di ko maiwasang tumingin sa ′yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?

Andiyan ka na naman
Ba′t 'di ko maiwasang tumingin sa ′yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Welche Band singt das Lied „Das Beste“?

Fans

»Nadarang« gefällt bisher niemandem.