Songtexte.com Drucklogo

Saludo Songtext
von Quest

Saludo Songtext

Ito ang alay ko, ito ang istorya mo
Alamat na kailangan makilala ng buong mundo
Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang
Pasasalamat at ika′y isinilang
'Di pangkaraniwan, para s′yang superhero
Hinarap lahat ng pagsubok, 'yung iba, hindi biro
Mayro'n s′yang misyon kaya walang takot sumabak
Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap

Parang pelikula, action, adventure, drama
May konting comedy, love story na pangmasa
Galing sa wala, akala mo, talo na, tapos
′Yun pala, s'ya ′yung bida, kaya lahat sila, paos
Kasisigaw, kahihiyaw, selebrasyon
Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon
Itaas ang kamay, sumigaw ng "Hoy!" (Hoy!)
Ito ang araw mo, bayaning Pinoy


(Saludo) Sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay
(Saludo) Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, 'di nagpaalila
(Saludo) Sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat, dumaan kayo sa tamang landas
(Saludo) Kami sa inyo ay saludo, saludo

Walang balak sumuko, walang planong gumuho
Tagumpay lang, walang iba, binigay n′ya buong puso
Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso
Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso
Ang buhay, positibo, agresibo mismo
Kaya pinarangalan s'yang bayaning Pilipino
Taas-noo, kahit pango, ′di nabigo
'Di nalito, 'di huminto, inabot n′ya ang ginto

Ngayon, tahimik na lahat ng kritiko
Bukangbibig na rin nila ang mga hirit mo
Hanggang nag-trending, ang daming likes, ′di na makalimutan
Front page, headlines, hanggang sa kanto, laman ng kuwentuhan
Pag-asa'y pinagsaluhan pero ′di naubusan
Binigay nang lubusan hanggang sa huling hantungan
Buhay na buhay, walang humpay, tagumpay


(Saludo) Sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay
(Saludo) Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, 'di nagpaalila
(Saludo) Sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat, dumaan kayo sa tamang landas
(Saludo) Kami sa inyo ay saludo, saludo

Sabi daw, walang pag-asa, pero tinapos
Sabi daw, imposible, pero ′di pa rin natakot
Sabi nila, mahirap, pero nagpursigi
Kaya lahat sila ngayon, sige lang, sige
No'ng lahat umurong, s′ya, sumugod
No'ng lahat lumubog, s'ya, ′di nalunod
Natutong maglakad sa tubig-pananampalataya
Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya

(Saludo) Paglaki ko, gusto ko maging katulad mo, yeah
(Saludo) Maipagmamalaki sa buong mundo (buong mundo)
(Saludo) Ikaw ang dahilan kung ba′t hindi ako susuko, whoa, oh
(Saludo) Taos-pusong pasasalamat
(Saludo, saludo) Isa kang alamat, alamat

(Saludo) Sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay
(Saludo) Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, 'di nagpaalila
(Saludo) Sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat, dumaan kayo sa tamang landas
(Saludo) Kami sa inyo ay saludo, saludo

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Quest

Quiz
Welche Band singt das Lied „Das Beste“?

Fans

»Saludo« gefällt bisher niemandem.