Songtexte.com Drucklogo

HBD Songtext
von Maki

HBD Songtext

Hindi naman sa nanghihinayang ako
May konti lang kirot
Di ko pa kasi limot
Ang birthday mo
Ilang araw na nangangati mga daliri
Di na mapakali baka batiin kita
Wala namang mawawala diba?

Happy birthday
Kahit hindi na ako ang kasama mo
Wala kong balak bumalik
At alam kong ganun ka rin
Pero nangako ako
Sa′yo ang araw na to
Kaya HBD


May cake ka na ba?
Marami bang pumunta?
Bumati ba si Julia?
Sumipot ba sina Era?
Pa'nong di maalala
Pinlano ko lahat nung nakaraang taon
Yung mga regalo ko na di na nabigay
Katumbas na mga plano natin na di na natuloy
Inikot ko ang QC
Para hanapin ang gusto mong plushie

Happy birthday
Kasi hindi na ako ang kasama mo
Wala kong balak bumalik
At alam kong ganun ka rin
Kahit nangako ako
Sa′yo ang araw na to
At kada lipas ng taon (Di ko na kaya nahihilo na 'ko)
Palayo nang palayo (ayun happy birthday, HBD)
Walang HBD

Humihiling
Bumabalik
Naghahabol ng sandali
Taon-taon
Nananabik
Lagi na lang nagpipigil
Na makausap at makita
Inaawitan si Bathala
Na lahat ng mga sana
Sa aming dalawa na lang


Happy birthday
Pero hindi na ako aasa sa'yo
Wala kong balak bumalik
At alam kong ganun ka rin
Kahit nangako ako
Sa′yo ang araw na to
At kada lipas ng taon
Palayo nang palayo
Walang HBD

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer singt über den „Highway to Hell“?

Fans

»HBD« gefällt bisher niemandem.