Songtexte.com Drucklogo

Sumaya Songtext
von Josh Cullen

Sumaya Songtext

Binalik ko na ′yong paborito mong yakapin (oh)
Mga unan na mahirap nang hanapin (oh)
Sabi sa 'kin ng mga kaibigan kong matalik (kaibigan kong matalik)
′Wag na 'wag na daw kitang hahabulin

Napangiti ako no'ng tumingin sa salamin
Dahil kaya ko pala pakawalan ka
Mas malawak na ′yong kama

Kaya handa na ba lahat ng mga gamit mo?
′Wag mong kalimutan 'yong mga bigay ko
Kahit ′di na natin balak pang ayusin
Dapat kitang ihatid

Kung sa'n ka masaya, do′n ka na
Makakalaya ka na
Maipagmamalaki kita
Buo ka na para sa kaniya
Para bang hinanda kita
Para lang mapunta ka sa iba
Kaya kapag naihatid ka
'Di na kita susunduin


Makakalaya ka na
Pinapalaya ka na
Sana sumaya sa piling niya

Pinapalaya na kita
Total, kulang na lang ng pansin ka pag-uuwi
Sinusungitan kapag gusto ko lambingan
Iniiwasan mga labi, ayaw dumampi
Pero laging sumusunod lang, pikit-mata
′Lam mo 'di ko kaya na magalit
Sa 'yo umiikot aking mundo
Pa′no mo ′to nagawa?

'Di mo na ′ko masisisi, 'di na rin makukumbinsi
′Di na kita kaya pang lingunin
'Di mo na rin kailangan pang aminin
Kaya halika na, ihahatid na lang kita


Kung sa′n ka masaya
Do'n ka na, makakalaya ka na
Maipagmamalaki kita (whoa)
Buo ka na para sa kaniya
Para bang hinanda kita
Para lang mapunta ka sa iba
Kaya kapag naihatid ka
'Di na kita susunduin

Kung sa′n ka masaya
Do′n ka na, makakalaya ka na
Para bang hinanda kita
Para lang mapunta ka sa iba

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Sumaya« gefällt bisher niemandem.