Songtexte.com Drucklogo

Huling Liham Songtext
von JM De Guzman

Huling Liham Songtext

′Di na mapinta kung saan nagsimula
Alam ko lang mahal kita, kahit wala ka na
Babalikan pa ba lahat ng alaala
Nang 'di nauubusan ng bakit o sigla?

At kung hindi man makarating
Tanggapin ang aking paumanhin

Hindi kita nakalimutan
Ikaw pa rin ang pinaglalaban
At kung ikaw ay aking nasaktan
Patawad kung ako ay nagkulang
At kung maibabalik ko lang
Hinding-hindi na kita pakakawalan

May mga gabi na ako′y muling umasa
Na ikaw ay maligaya, kahit pa sa piling ng iba
No'ng handa nang lumaban, ika'y aking nakita
Masaya sa piling niya, walang bakas nating dalawa


At kung hindi man makarating
Tanggapin ang aking paumanhin

Hindi kita nakalimutan
Ikaw pa rin ang pinaglalaban
At kung ikaw ay aking nasaktan
Patawad kung ako ay nagkulang
At kung maibabalik ko lang
Hinding-hindi na kita pakakawalan

At sa huling pagkakataon
Hayaan mong ipaalam sa ′yo
Paalam sa ′yo

Hindi kita makakalimutan
Salamat sa ating nakaraan
At kung ako'y iyong matandaan
Maalala mo itong huling liham
Na mahal pa rin kita
Kaya kakayanin na ika′y pakawalan

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer ist kein deutscher Rapper?

Fans

»Huling Liham« gefällt bisher niemandem.