Songtexte.com Drucklogo

Halaga Songtext
von Jericho Rosales

Halaga Songtext

Sino ako para bigyan Mo ng oras?
Sino ako para Iyong damayan
Sa aking pag-iisa, sa aking kalungkutan
Sa lahat ng pinagdaraanan?

Sino ako para Iyong pakinggan?
Pinapasok Mo ako sa tahanang kay payapa
Binigyan ng unan, hinugasan ang paa
Sino ako para bigyan ng halaga?
Ah, ah, ah

Inalagaan, ′di iniwang mag-isa
Inilapit ang 'Yong sarili, binigay ang ′Yong Anak
Upang ako'y makasama
Binigay Mo ang lahat 'pagkat ako sa ′Yo′y mayro'ng halaga


Sino akong naging dahilan
Dahilan ng Kaniyang kamatayan?
Ng Iyong Anak na walang kasalanan
Sino akong naging dahilan?
Ah, ah, ah

Inalagaan, ′di iniwang mag-isa
Inilapit ang 'Yong sarili, binigay ang ′Yong Anak
Upang ako'y makasama
Binigay Mo ang lahat ′pagkat ako sa 'Yo'y mayro′ng halaga

Sino ako para Iyong ibigin?
Sino ako sa Iyong paningin?
Salamat sa pag-ibig, salamat sa buhay
Ama, ako sa ′Yo'y may halaga

′Di iniwang mag-isa
Inilapit ang 'Yong sarili, binigay ang ′Yong Anak
Upang ako'y makasama
Binigay Mo ang lahat ′pagkat ako sa 'Yo'y mayro′ng halaga

Oh, may halaga
Oh, may halaga

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Jericho Rosales

Quiz
Welcher Song ist nicht von Robbie Williams?

Fans

»Halaga« gefällt bisher niemandem.