Songtexte.com Drucklogo

Hardin Songtext
von ila

Hardin Songtext

Mangyari man
Mangyari mang ′di na kayanin ng aking baga
Ang paghinga

Langhapin
Hanapin mo 'ko sa bawat paghampas ng hanging
Nanggagaling sa ating munting hardin

Ooh ooh ooh

Napapagal, hinihingal

Alam kong ′di na 'ko magtatagal
Hiling ko, 'di ka tumigil magmahal
′Di man ako
Alagaan mo na lang
Kubliang hardin nating tinamnan

Ooh ooh

Sakali man (sakali man)
Sakali mang ′di na kayanin ng aking mata
Dumilat pa


Pagmasdan
Ang kulay sa tanang halamanang nasinagan
Ng araw at buwan
At gagapang ang sangkaugatan

Ooh ooh ooh

Maghihintay sa aking hukay

Alam kong 'di na ′ko magtatagal
Hiling ko 'di ka tumigil magmahal
′Di man ako
Alagaan mo na lang
Kubliang hardin nating tinamnan

Ooh-hoo oh-hoo ooh-hoo ooh-hoo
Hoo-ooh hoo-ooh

Hayaan (hayaan) mo ang pag-usbong
Hanggang umabot sa langit
Hayaan (hayaan) mo ang pagsibol
Hanggang makarating sa akin

Kung magkataon, wala nang pagkakataon
At panahon pangakong nabaon
Mabubuhay habang-buhay


Alam kong 'di rin naman magtatagal
Ako′y tutubo, nawa'y tumanda kang nagmamahal, hanggang dulo
Alagaan mo na lang (ha)
Kublihang hardin nating tinamnan

Ang susi sa trangkahan (ah)
Patungo sa bakuran (ah)
Iyong panghawakan (ah)
'Wag papabayaan (ah)

Ang susi sa trangkahan (ah)
Patungo sa bakuran (ah)
Iyong panghawakan (ah)
′Wag papabayaan (ah)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer singt das Lied „Haus am See“?

Fans

»Hardin« gefällt bisher niemandem.