Songtexte.com Drucklogo

panauhin Songtext
von Ian Quiruz

panauhin Songtext

′Di ko namalayan ang paglipas ng oras
Kay bilis, kay bilis
Huwag kang mangamba hahandaan kita ng kahit na ano
Basta't ikaw
Ibibigay ko ang lahat kahit batid kong ′di magluluwat
Lilisan ka, 'wag naman agad
O dito ka na lang magpahinga, maghapunan
Alam kong napagod ka

Sa paulit-ulit na ikot ng mundo
Hindi alam kung sa'n ka lulugar
Eh kung dumito ka na lang kaya?

Sa pag-alis mo, giliw ko, mag-iingat ka sa bangin
Mahanap mong tahanan, masaya ako para sa′yo
Sa uulitin, aking panauhin

Kay tagal na rin pala nung una mong madalaw ang
Aking damdamin, aking damdamin
At ito na rin marahil ang napipintong huli mong pagbisita
At ako′y muling mag-iisa

Muli na namang iikot ang mundo
Patungo sa bagong tahanan mo
Mahanap mo'ng paruparo

Sa pag-alis mo, giliw ko, mag-iingat ka sa bangin
Mahanap mong tahanan, masaya ako para sa′yo
Sa pag-alis mo, giliw ko, mag-iingat ka sa bangin
Mahanap mong tahanan, masaya ako para sa'yo

Sa pag-alis
Sa pag-alis

Sa uulitin, aking panauhin
Sa uulitin, aking panauhin
Sa uulitin, aking panauhin

Sa uulitin, ′di na mabibitin
Sa uulitin, 'di na mabibitin

Sa muling paggising, ako′y muling ibigin
O aking panauhin

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»panauhin« gefällt bisher niemandem.