Songtexte.com Drucklogo

Simpleng Tao Songtext
von Gloc‐9

Simpleng Tao Songtext

Habang tumutunog ang gitara, sa ′kin makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking isinulat ko kagabi
Huwag sanang magmadali, at huwag kang mag-atubili, dahil

Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko'y kupas na
At kahit na marami diyang iba

Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa ′yo (ay ang)

Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika′y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon

Hindi mo naman kailangan ang sagutin ang aking hinihiling
Nais lang maparating na ′di na muli pang dadaloy ang luha
Pupunasan nang kusa, 'di kailangang manghula
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala upang makasama ka
Kapag nakikita ka, lagi kang aalalayan
Kahit ano man ang ′yong mga ibinubulong
Malalim pa sa balon, ito lamang ang

Pag-ibig ko sa 'yo na ′di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Humingi na ba ng saklolo

Kay Spider-Man o kay Batman? Kay Superman o Wolverine?
Kahit ′di maintindihan, baka-sakaling pansinin
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo

(Ay ang pag-ibig) ko sa 'yo, ito′y totoo
Wala nang iba, ikaw at ako lang ang nasa isip at panaginip
′Pag nakikita ka, sasabihin ko'y nawawala
Ikaw na nga ang dahilan kung bakit nasulat ko
Ang tulang kahit kanino ay aking maipagyayabang
Minamahal kita subalit tanggapin mo sana kahit

Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa ′yo (ay ang)

Pag-ibig ko sa 'yo na ′di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa ′yo

Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika′y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo
Sa pag-ibig mo

Sa pag-ibig mo
(Maniwala ka sana sa akin na ikaw ang lagi kong dalangin)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Quiz
Wer will in seinem Song aufgeweckt werden?

Fans

»Simpleng Tao« gefällt bisher niemandem.