Songtexte.com Drucklogo

Sagip Songtext
von Gloc‐9

Sagip Songtext

Hello, hello, tsong, gising ka pa?
May naisip kasi akong kanta na puwede kong gawin, eh
Pero diyan ka lang, ha?
Gusto ko kasing sumayaw, eh

Panibagong araw na naman
Bakit sadyang kulang sa pagbabago?
Hanapin ma′y 'di ko matagpuan
′Di pa lumilitaw ay naglalaho
Ang suwerte na tila
'Di sa 'kin nakalaan
Depende, bihira
Madalas ay ′tsaka na lang


Tirik ang araw sa Quiapo, tanghaling-tapat, daming naglalakad
Lahat pinipintahan ko
Parang langaw na dumapo kahit na mabaho sa basurahan
Hanggang sa naispatan ko
Isang ale na may edad, alahas nakalantad
Mabilisang dilihensiya ′to, kaya
Tinutukan ko agad, kuwintas, singsing, akap na bag
Tapos ay karipas ng takbo

Ang buong akala ko
Nakatakas na ako, hindi pala
Mayro'ng parak na nakatambay sa may kanto, pa′no 'yan?
Kahit hinihingal ay kailangan ko pang bilisan
Kadalasan naman ay hindi sila ganiyan
′Pag humabol, ang masahol
Ay nasukol ako sa eskinitang masikip
May narinig akong putok, kaso hindi hagip
Tinamaan ako sa paa, naloko na
Basta, 'di ako pahuhuli nang buhay

Hinintay ko siyang makalapit
Para maagaw ang baril na kapit
Tila agilang dumagit
Mapapalaban siya talaga
Nagpangbuno kaming dalawa
Bumunot siya ng kutsilyo
Itinarak niya, wala akong nagawa
Kinagat ko siya ng pustiso


Buo-buong dugo, basa na′ng uniporme niya
Sino ang maglalaba?
Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na tinggang
Pumasok sa 'king dibdib
Hindi ako makahinga
Na tila may nakasakal sa aking leeg
Ako'y lulan ng ambulansiya
Aabot pa kaya sa grasya?
Kaso trapik sa EDSA, lagi naman
Magdala ng pasensiya, ′la nang laman

Nakarating din sa wakas
Pinto′y agad ibinukas
Ang buhay ko'y iniligtas
Para bang nanggaling sa taas
Gulat sa ′king mata'y bakas
Dagundong ng puso′y lumakas
Kasagutan na pilit kong hinanap
No'ng bigla sa ′kin humarap
Doktorang may edad na aking hinoldap

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Quiz
Whitney Houston sang „I Will Always Love ...“?

Fans

»Sagip« gefällt bisher niemandem.