Songtexte.com Drucklogo

Bugtong Bugtong Songtext
von Florante

Bugtong Bugtong Songtext

May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip′
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon

Hindi hayop, hindi tao ngunit mayrong ulo
Kadalasang kasama ay mga karpintero
At kung ito′y ililibing sa kahoy o bato
Kailangang pukpukin martilyo

Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Hindi hayop, hindi tao mayrong buto't balat
Mahaba ang bituka at ito′y lumilipad
Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad
Asahan mong ito ay sasadsad


Bugtong-bugtong subukin kung ito′y matutugon

May dila nga ngunit ayaw namang magsalita
Kambal sila't laging kasama ang isa′t isa
Itali o igapos kahit higpitan mo pa
Tiyak silang sa iyo ay sasama

Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon

Mayrong araw, mayrong buwan hindi naman langit
Mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik
Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi
Wakas niya ay ipinagbubunyi


May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip′
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Bugtong-bugtong subukin kung ito′y matutugon

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Florante

Fans

»Bugtong Bugtong« gefällt bisher niemandem.