Songtexte.com Drucklogo

Tila Songtext
von Clara Benin

Tila Songtext

Tila humihinto ang aking panahon
Walang naririnig kundi huni ng ibon
Umaawit
Dinadala ng ihip ng hangin

Tila gumaganda nang lalo′ng mga rosas
Sabay, sabay silang sumasayaw
Sa hampas ng hangin
Dumadampi at bumubulong sa 'yo


Naririnig mo ba′ng bulong ng puso ko?
Binubulong ng hangin
Tila ngumingiti ang araw sa umaga
Mga paruparo'y naglalaro
Sa hampas ng hangin
Dumadampi at bumubulong sa 'yo

Naririnig mo ba′ng tunog ng puso ko?
Binubulong ng hangin
Sana nga ito ay marinig
Binubulong ng hangin ang dama nitong dibdib
Binubulong ng hangin
Binubulong ng hangin

Naririnig mo ba′ng tunog ng puso ko?
Binubulong ng hangin

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Clara Benin

Fans

»Tila« gefällt bisher niemandem.