Songtexte.com Drucklogo

Duyan Songtext
von Ben&Ben

Duyan Songtext

Naaalala ko si mama
Sa tuwing nasisilayan ko ang iyong lakas at tikas
Hindi lang ng iyong pagtawa
Kundi lalo na kung gaano ka katatag
′Di ka patitinag

Sa tuwing yumayanig
At nagbabadya
Sa atin ang isang madilim
Na kabanata

Yayakapin ko
Ang iyong init
At sasamahan kita hanggang sa bulan
Sisikapin kong
Maging kanlungan mo
At sabay nating punuin
Ng alaala
Ang ating
Duyan


Naaalala mo ba noon
Gabi nung may isang nagsabi sa ating siguraduhing
Pagsalubungin ang hangin, ang ating init at lamig
Kaya lagi mong alalahaning

Kakampi kita
'Di ka mag-iisa
Mainit man o malamig
Ang ating kabanata

Yayakapin ko
Ang iyong init
At sasamahan kita hanggang sa bulan
Sisikapin kong
Maging kanlungan mo
At sabay nating punuin
Ng alaala
Ang ating
Duyan

Kaharap ko na ang Maykapal
Kay tagal ko ′tong pinagdasal
Ang pagpapasalamat
Na ang buhay natin ay
Pinagtapat


Ginawa ka ba para mahalin
Ang katulad ko?
Ginawa ako para mahalin
Ang katulad mo

Ginawa ka ba para mahalin
Ang katulad ko?
Ginawa ako para mahalin
Ang katulad mo

Yayakapin ko
Ang iyong init
At sasamahan kita hanggang sa bulan
Bubuhatin ko
Bigat na lulan mo
At sabay nating punuin
Ng mga kabanata
Ng alaala
Ang ating
Duyan

Sa hirap at ginhawa
Lungkot at ligaya
Ikaw ang kasama
Aking mahiwaga
Sa ating
Duyan

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Ben&Ben

Fans

»Duyan« gefällt bisher niemandem.