Songtexte.com Drucklogo

Ang Wakas (Revisualized) Songtext
von Arthur Miguel

Ang Wakas (Revisualized) Songtext

Mahirap ba′ng ipilit ang lumaban
'Pag hindi na kaya?
Saan na kukuha ng lakas?

Ibuhos man lahat-lahat
Wala pa rin itong pag-asa
Kung mag-isa kang lalaban

Sa pag takbo ng ang oras
Unti-unting kumupas
Ang dating wagas
Ay magwawakas

Masisisi mo ba
Kung ayaw na talaga
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho

O, ba′t nagbago bigla
Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo
Tadhana ba ito?


Kapag damdamin na'ng nag salita
Wala ka nang magagawa
Kundi sundin ito kahit ayaw

Wala na ngang natitira
Lahat lahat ay naglaho na
Konting pilit pa′y masusugatan
Bumitaw ka na

Sa pag takbo ng ang oras
Unti-unting kumupas
Ang dating wagas
Ay magwawakas?

Masisisi mo ba
Kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho

O, ba′t nag bago bigla
Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo
Tadhana ba ito?


Tayo′y nagkamali
Tayo ay nasugatan
Maling galaw
Lahat ay sasabit

Ito na ba'ng huli
Tayo′y magpapaalam
Na sa ating nakaraan
At bibitawan

Masisisi mo ba
Kung ayaw na talaga
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho

Masisisi mo ba
Kung ayaw na talaga
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho

O, ba't nagbago bigla
Mga titig ay nag-iba
Ika′y pa palayo
Tadhana ba ito?

Ako'y napagod
Biglang naubos
'Wag pilitin ang ′di para sa′tin

Pagbilang ng tatlo lahat magbabago
Tayo'y papalayo tadhana ba ito?

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Ang Wakas (Revisualized)« gefällt bisher niemandem.