Songtexte.com Drucklogo

Okay Songtext
von Android-18

Okay Songtext

Nandito lang naman ako
Kung saan-saan ka pa lumilingon
Ang sabi mo ay tapos ka na sa mga manloloko

Eh, bakit parang kahapon lang
Mayro′n kang nilapitan na 'di mo naman masyadong kilala?
Hindi ka pa ba nagsasawa?
Oh, hindi ka pa ba nadadala?

Ilang beses ka na ring lumuluha
At bawat luha mo, ako′y nasa lupa

Pa'no kung isang araw, wala na ako?
Maglaho lang o magsawa't biglang lumayo?
Hanggang kailan ba ako mag-aalala sa ′yo?
Okay lang kung ayaw mo sa ′kin, basta't alam kong okay ka

Pinaghintay mo pa ngayon
Bakit palagi mo na lang pinipikon
Kahit alam mo namang ′di ka kayang saktan?
Huwag naman ganyan


Okay lang namang 'di maging tayo (oh-oh, oh-oh, oh-oh)
Paulit-ulit nang sinasabi sa ′yo (oh-oh, oh-oh, oh-oh)
Ayoko lang namang ikaw ay laging talo
Sana'y pakinggan mo

Ayokong magpabalik-balik sa lupa
Kung pwede lang ay please, ′wag ka nang lumuha

Pa'no kung isang araw, wala na ako?
Maglaho lang o magsawa't biglang lumayo?
Hanggang kailan ba ako mag-aalala sa ′yo?
Okay lang kung ayaw mo sa ′kin, basta't alam kong okay ka

No′ng tumatawag ka, 'di ako makasagot sa dami ng ginagawa
Bigla na lang naisip ko kung isang araw ay mawala na ko sa ′yo
Paano na? Paano ka?

Pa'no kung isang araw, biglang mag-iba?
Paano kung isang araw...

Paano kung isang araw, wala na ako?
Maglaho lang o magsawa′t biglang lumayo?
Hanggang kailan ba ako mag-aalala sa 'yo?
Okay lang kung ayaw mo sa 'kin, basta′t alam kong okay ka

(Paano kung isang araw?)
Paano kung isang araw? (Kung isang araw)
Hanggang kailan ba ako mag-aalala sa ′yo?
Okay lang kung ayaw mo sa 'kin, basta′t alam kong okay ka

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Android-18

Fans

»Okay« gefällt bisher niemandem.